Isang uri ng omelet ang Tamagoyaki na karaniwang magandang idagdag sa panhapong baon (o bento) o pang-almusal. Nakakaakit ang Mitsuba Parsley. Madaling gawin at masarap ito kaya dapat ninyo itong subukan.
Tamagoyaki Pan o Parihabang kawali15x16.5cm / 6 "x6.5" o regular na maliit na kawali
* 1 kutsarang = 15 ml, 1 kutsarita = 5 ml
Instructions
Ihanda ang mga sangkap. Hiwain at pagtilad-tilarin ang mitsuba parsley hanggang 1cm o kalahating pulgadang pira-piraso. Maaari ding gamitin ang spring onion kung walang mitsuba.
Idagdag ang asukal at toyo, dalawang (2) kurot ng asin sa dashi stock, at tunawin ang asukal nang buo gamit ang siyansi.
Haluin ang mga itlog. Idagdag ang pinagsamang dashi stock at mitsuba parsley at haluin ito nang mabuti.
Gawin na natin ang tamagoyaki. Initin ang tamagoyaki pan at lagyan ito ng olive oil gamit ang tuwalyang papel. Gamit ang chopsticks, maglagay ng kaunting itlog sa kawali upang masiguradong mainit ito.
Ikutsaron ang itlog sa kawali at agad na ikalat nang pantay ito.
Kung malapit nang matuyo ang ibabaw na bahagi ng itlog, pihitin ang itlog nang paurong.
Itulak ang itlog sa harap ng kawali at muling lagyan ito ng olive oil.
Siguraduhing nananatiling mainit ang kawali at muling Ikutsaron ang itlog at agad na ikalat ito nang pantay. Buhatin ang napihit na itlog at ikalat ang nakutsarong itlog sa ilalim nito.
Kung paluto na ang itlog, pihitin itlog nang paurong nang sa makapatong ito sa unang nalutong itlog. Itulak ang itlog sa harap ng kawali at muling lagyan ito ng olive oil.
Ulitin nang apat (4) na beses sumatotal nang pinapanatiling manipis ang mga patong ng itlog. Kung masyadong makapal ang mga patong, maaaring masunog ang isang panig ng itlog bago pa matuyo ang ibabaw. Kung napasukan ng hangin ang itlog, gamitin ang chopsticks at tusukin nang makalabas ang hangin at mapatag ang ibabaw.
Hubugin ang tamagoyaki sa gilid ng kawali nang maayos ang hugis nito.
Ilagay ang tamagoyaki sa cutting board. Hiwain ang tamagoyaki nang anim (6) na pantay na piraso. Maaaring masira ang hugis ng tamagoyaki kung masyadong mainit ito kaya palamigin muna ito bago hiwain.
Ilagay ang nahiwang tamagoyaki sa plato. Magpiga ng kinudkorang Daikon radish at itabi sa tamagoyaki. Magbuhos ng toyo sa daikon. Magdadagdag ng panariwang lasa ang kinudkorang daikon sa tamagoyaki.
Recipe Notes
Maaaring gumamit ng mentaiko (malasang itlog ng isdang Pollock) o Aonori seaweed sa halip na mitsuba parsley.
Maaari ding magawa ang tamagoyaki sa maliit na kawali.
Madaling gawin, nakakaakit, at masustansiya ito kaya laging nilalagay ito sa bento o sa pang-almusal.